KATAWAN

 


Sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng lipunan kasabay ng modernidad, buo pa rin ang sambayanang Pilipino sa kanilang kultura at inilalapat ito mismo. Isa sa nasabing “kultura” ay ang iba’t ibang aspeto ng kamatayan. Ang ilang halimbawa ay: hindi pagwawalis ng sahig upang hindi magdala ng malas, Manunggal Jar na isang bangang libing na naglalarawan ng mga pigura ng tao sa isang bangka na sumasagisag sa mga kaluluwa sa paglalakbay patungo sa kabilang buhay, hindi pagdadala ng pagkain mula sa libing upang hindi dalhin ang espiritu, at marami pang iba na katulad ng mga halimbawa-Nakaharap at maaaring naranasan na natin ang kamatayan mismo, kayat naigawa ang mga kwento, alamat, at paniniwala ang nagawa sa paglipas ng mga taon, na naging bahagi ng kung sino tayo, dahilan kung sino tayo kung wala ang mga tradisyon ng ating mga ninuno na ipinasa nila sa atin at marahil ay maipapasa sa ating mga kinabukasang pamilya, dahil ito ang nagpapanatili sa ating pagsisikap bilang isang komunidad at bilang isang bansa. Ang mga ito ay nagpapatunay na kahit gaano pa ito katagal, ang ating kultura at tradisyon ay hindi mabubura bagkus ay iingatan at aalalahanin



                          (Manunggal Jar)


Pinapraktis namin ang mga bagay na ito dahil nakatanim na sa amin noon pa man, naipapasa mula henerasyon hanggang henerasyon bilang paraan ng mga Pilipino upang parangalan ang mga yumao at protektahan ang mga buhay. Sa paglipas ng panahon at pakikipag-ugnayan sa iba pang kultura, nagbago at umangkop ang ilang kaugalian ngunit nanatiling buo ang diwa ng paggalang. May isang nagbahagi na ang mga yumao ay dapat laging binabantayan sa burol dahil pinaniniwalaang maaaring gambalain o “nakawin” ng masasamang espiritu ang kaluluwa kapag ito ay iniwan, kaya ang pagbabantay ay tanda ng paggalang at pagprotekta. Isa pang kasapi na may dugong Tsino ang nagsabi na sa kanilang pamilya, tinatakpan nila ang mga salamin, nagsusuot ng puti, at nagsusunog ng joss paper, na nagmula sa sinaunang pagsamba sa mga ninuno upang gabayan ang mga espiritu sa kabilang buhay. May isa ring pamilya na nagsusuot ng pula ang mga bata habang nagluluksa dahil pinaniniwalaang ito ay makapoprotekta sa kanila laban sa “pag kukuha” ng espiritu ng yumao. Sa ibang probinsya naman, nagsisindi ng apoy at tumatalon dito matapos bumisita sa sementeryo bilang ritwal ng paglilinis upang maiwasan ang mga espiritung sumama pauwi. Mayroon ding nagsabi na kahit hindi sila mahigpit na sumusunod sa mga ritwal, naniniwala pa rin sila na ang mga espiritu ay gumagala at gumagabay sa kanilang mga mahal sa buhay, na sumasalamin sa sinaunang paniniwalang animistiko.



Ang mga tradisyong ito ay maaaring may iba’t ibang pinagmulan, maging mula sa katutubong paniniwala, impluwensyang Tsino, o kalaunang kaugalian, ngunit iisa ang kanilang layunin: parangalan ang mga yumao, protektahan ang mga buhay, at panatilihin ang ugnayan sa pagitan ng pamilya at espiritu.





Comments

Popular posts from this blog

INTRODUKSYON

WAKAS