INTRODUKSYON
Kapag namatay ang isang tao ano ang angkop na paraan ng pagluluksa sa kanila? Dito sa Pilipinas maaaring mag-iba ang sagot depende sa taong itatanong mo. Kaya naman, ang layunin ng aming blog ay magbigay liwanag sa magkakaibang kultura ng Pilipinas tungkol sa kamatayan. Nilalayon ng blog na ito na tunton ang mga pinagmulan ng mga kulturang ito, na nag-iiba depende sa bawat sambahayan. Bukod dito, mahalagang maunawaan na ang mga simbolo ng kamatayan ay hindi lamang palamuti o ritwal, kundi sumasalamin din sa pananampalataya, paniniwala, at pagkakakilanlan ng bawat komunidad.